Saturday, July 23, 2005

think about this...

Once upon a time, there were four people;
Their names were Everybody, Somebody, Nobody and Anybody.
Whenever there was an important job to be done, Everybody was sure that Somebody would do it.
Anybody could have done it, but Nobody did it.
When Nobody did it, Everybody got angry because it was Everybody's job.
Everybody thought that Somebody would do it, but Nobody realized that Nobody would do it.
So consequently Everybody blamed Somebody when Nobody did what Anybody could have done in the first place.


Na-encounter ko ang kuwentong ito more than ten years ago. Pero ngayon ko lang naisip na appropriate pala sa atin ang pinaka-moral ng kuwento. Sa gulo ng ating ekonomiya sa ngayon, parang tumpak na tumpak ang nasabing katha... ng kung sinumang unang nakaisip nito. Halos lahat ng tao ay mayroong reklamo sa gobyerno. Napapansin kong kahit sino siguro ang maupo bilang presidente ng ating bansa ay hindi tayo mauubusan ng reklamo. Para bagang lahat na lamang (as in kahit sino) ng maupo sa gobyerno ay masama. Ngunit naisip na ba natin kahit minsan na mayroon din tayong obligasyon? Bakit naman isisisi sa gobyerno kung marami ang walang trabaho? Hindi kaya mas nakararami lamang ang tamad sa Pilipinas? Kung papakaisipin din, hindi obligasyon ng gobyerno ang magbigay ng trabaho. Tayo ang maghahanap nito. It's a misconception kung sa gobyerno natin hahanapin ang trabaho. Rally dito, rally doon. Halos lahat ng masasakit na salita ay naibintang na sa pamahalaan. Mayrron din kayang nag-iisip na ang bawat isa ay mayroong pananagutan din? Kayo ba ay nagtatapon pa ng basura sa kalsada? Tumatawid sa tamang tawiran? O higit sa lahat, nagbabayad ba tayo ng buwis? (Karamihan sa mga reklamador ay hindi nagta-tax: Simbahan, Ordinaryong manggagawa, illegal vendors at iba pa). Bago kayo magreklamo ay magbayad muna kayo ng buwis. Buwisit. Paano makakakilos ng maayos ang gobyerno kung hindi tayo nagbubuwis ng maayos? Hindi sa kinakampihan ko ang mga nasa puwesto. Alam ko rin namang "buwaya" talaga ang mga iyan. Dapat lamang ay gawin din muna natin ang ating bahagi bago tayo magturo kung sino ang may kasalanan kung bakit tayo nasa ganitong sitwasyon. Simple lang naman. We should ask not what our country can do for us but what we can do for our country. At kapag hindi pa rin nabago ang sitwasyon sa kabila ng ating pagganap ng tama sa ating kani-kaniyang obligasyon, doon na tayo umalma. Rebolusyon na... Rebolusyon na... Tara na sa bundok at sa Mendiola. As John Fitzgerald Kennedy once put it, "Kailangan pa bang i-memorize 'yan?"

No comments: