Tuesday, August 02, 2005

alam na ba ninyo ito?

Isa ako sa mga mangilan-ngilan na lamang na mga Pilipino na lubhang nalulungkot sa kinasasapitan ng kalagayan ng ating edukasyon. Parang gusto ko na talagang maniwala na bumababa na yatang talaga ang kalidad ng ating edukasyon sa bansa. Isang kahihiyang maituturing ang ating paglimot sa sariling wika. Kung hindi lang sa aking determinadong kaisipan at marubdob na damdaming alamin ang mga bagay-bagay, mapipilitan na rin siguro akong yakapin ang sinasabi nilang pagkabulok ng sistema sa ating bayan dahil na rin sa pagpasok ng mga banyaga, partikular ang Amerika. Ang English ay itinuturing nang second language ng bawat isa sa atin. Minsan nga ay mas nakakapag-paahayag pa tayo ng ating mga ideya nang mas maayos sa wikang Ingles kaysa Tagalog. Kaya't bago pa man mahuli ang lahat, hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo, sa aking munting pamamaraan, ang ilan sa mga natatanging salita na dahil sa ating pagiging maka-banyaga ay hindi na natin nabibigyan ng pansin. Masakit kasing isipin na tayo mismong mga Pilipino ay salat sa mga salitang sariling atin. Mahabang panahon ang aking ginugol (siguro mga 10 minutes) sa pagsasaliksik ng mga impormasyong aking ibabahagi sa inyo. Narito po:

1. BAKTOL - ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. Ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas. Ito'y dumidikit sa damit at humahalo sa pawis. Madalas itong naaamoy tuwing registration sa mga pamantasan at kolehiyo, sa elevator o sa FX taxi.
Ex. Put*&%$^#! Sinong nangangamoy BAKTOL sa inyo?!"


2. KUKURIKAPU - libag sa ilalim ng boobs. Madalas na namumuo dahil sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan. Maaari ring mamuo kung hindi talaga naliligo o naghihilod ang isang babae. Ang KUKURIKAPU ay mas madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang s**o.
Ex. "Honey, maligo ka na para maalis 'yang KUKURIKAPU mo.

3. MULMUL - buhok sa gitna ng isang nunal. Mahirap ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal. Subalit hindi talaga ito naaalis, kahit na bunutin pa ito. Maliban na lamang kung ipapa-laser ito.
Ex. "How nice naman your MULMUL! Nakakakiliti.

4. BURNIK - taeng sumabit sa buhok sa puwet. Madalas itong nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae. Ang BURNIK ay mahirap alisin, lalo na kapag natuyo na ito. Ipinapayo sa mga may BURNIK na maligo na lamang upang ito'y maalis.
Ex. "Labs, alam ko kung anong kinain mo kanina!

5. ALPOMBRA - kasuotan sa paa na kadalasang makikitang suot ng mga tindero ng yosi sa Quiapo at Divisoria. Ito'y may makipot na suotan ng paa at manipis na suwelas. Mistulang sandalyas ito ng babae pero kadalasang suot ng mga lalaki. Available in blue, red, green, etc.

6. BAKOKANG - higanteng peklat. Ito'y madalas na dulot ng mga sugat na malaki na hindi ginamitan ng sebo de macho habang natutuyo. Imbes na normal na balat ang nakatakip sa bakokang, ito'y mayroong makintab na takip.

7. AGIHAP - libag na dumikit sa panty o brief. Nabubuo ang AGIHAP kung ang panty o brief ay suot-suot na nang hindi bumababa sa tatlong araw.

8. DUKIT - ito ang amoy na nakukuha kung isinabit mo ang iyong daliri sa iyong puwit o sa puwit ng iba...try it to prove it. That's DUKIT.

9. SPONGKLONG - ito'y isang bagong wika na nangangahulugan sa isang estupidong tao.
Ex. "Buti naman at bumaba na sa puwesto ang spongklong nating Presidente."

10. LAPONGGA - ito'y kahintulad sa laplapan o kaya sa lamasan.
Ex. "Hoy Utoy, bakit ba ang hilig mo sa mga sineng puro lapongga lang ang palabas?"

11. WENEKLEK - ito ang buhok sa utong na kadalasang nakikita sa mga tambay sa kanto na laging nakahubad. Meron din ang babae nito.
Ex. "Inay! Si Itay, sinaksak yung kapitbahay natin kasi hinila 'yong weneklek niya!"

12. BAKTUNG - pinaikling salita ng BAKAT-UTONG.
Ex. "Uy Arnold, tingnan mo si Ma'am, baktung na naman!"

13. BAKTI - bakat panty.

14. ASOGUE - buhok sa kilikili.

15. BARNAKOL - maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon.

16. BULTOKACHI - tubig na tumatalsik sa puwet kapag nalalaglag ang isang malaking ebak.

17. BUTUYTUY - e**** ng bata.

18. JABARR - pawis ng katawan.

19. KALAMANTUTAY - mabahong pangalan.

20. McARTHUR - taeng bumabalik after mong i-flush.

Sana po ay nakatulong ng malaki sa inyo ang aking research. Tulad ng sinabi ko, mahabang panahon ang aking ginugol (mga 10 minutes nga!) sa pagsasaliksik ng mga nasabing impormasyon. Hanggang sa muli. Magandang araw po sa inyong lahat.

1 comment:

Rogeliza Corpuz said...

hay naku! parehong-pareho ang blog nyo ni randy! puro kalokohan